AFP Joint Task Force NCR, nakahanda na sa eleksyon

70

Kumpiyansa si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Andres Centino na handa na ang Joint Task Force National Capital Region (JTF-NCR) sa darating na eleksyon.

Sa kanyang isinagawang inspeksyon sa mga tropa ng JTF-NCR sa Camp Aguinaldo, sinabi ng AFP Chief na mataas ang tiwala niya sa liderato ng JTF-NCR sa pangunguna ni Brigadier General Marceliano Teofilo.

Pinuri ni Gen. Centino ang militar at sibilyang tauhan ng JTF-NCR sa kanilang matagumpay na pagtupad sa kanilang mandato na pangalagaan ang mga mamamayan at protektahan ang estado.


Bilin pa ni AFP Chief sa mga tropa na maghanda sa deployment sa mga delikadong lugar para matiyak ang maayos at tapat na halalan sa Mayo.

Ipinaalala din ng AFP Chief sa mga sundalo ang marching orders ni Pangulong Rodrigo Duterte sa militar na tapusin na ang communist insurgency at tiyaking maging mapayapa ang eleksyon.

Facebook Comments