PULSO NG MASA | “Record high” na bilang ng masayang Pilipino, naitala sa pinakahuling survey ng SWS

Manila, Philippines – Karamihan sa mga Pinoy ay kontento at masaya sa
kanilang pamumuhay.

Batay sa survey ng Social Weather Station nitong 4th quarter ng 2017 – 92
percent ng mga Pinoy ay masaya sa kanilang pamumuhay habang 92 percent
naman ang nagsabing sila ay kontento sa takbo ng kanilang buhay.

Sa mga nagsabing sila ay masaya, 57 percent ang “very happy” at 37 percent
ang “fairly happy”.


Nasa limang porsyento lamang ang nagsabing hindi sila masaya.

Ang pagiging masayahin ng mga pinoy ay nananatiling mataas simula pa noong
2010.

Ang nasa “Class D” o masa ang pinakamasayahin at kontento sa buhay, sa
kabila ng kanilang estado sa buhay.

Nasa “Class E” naman ang mga Pinoy na nagsabing hindi sila masaya at
kontento sa kanilang pamumuhay.

Facebook Comments