PUMALAG | Tourism dept., binuweltahan ang mga kumukwestyon sa pagtakda nila ng carrying capacity ng Boracay

Manila, Philippines – Pinalagan ng Dept. of Tourism (DOT) ang mga kumukwestyon sa itinakda nilang carrying capacity ng Boracay.

Ito ay kasabay sa nalalapit na reopening nito sa October 26.

Ayon kay Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat – dumaan sa masusing pag-aaral ang plano ng DOT na magkaroon lamang ng mahigit 19,000 na katao sa isang araw.


Giit ng kalihim – ang mga eksperto mula University of the Philippines (UP) Los Baños ay nagtungo mismo sa isla ng Boracay para pag-aralan at i-assess ang puwedeng maging capacity nito sa isang araw.

Hamon ng kalihim sa mga kritiko na magsagawa rin ng pag-aaral at isapubliko ito.

Facebook Comments