ISINIWALAT | Maritime at aerial patrols sa WPS, ipinatigil umano ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Isiniwalat ni Magdalo Party-list Representative Gary Alejano na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Armed of the Philippines (AFP) na ipahinto ang pagpapatrolya sa West Philippines Sea.

Sabi pa ni Alejano – nakatanggap siya ng ulat kung saan ipinatitigil ng punong ehekutibo ang maritime patrols sa pinagtatalunang teritoryo dahil sa katwirang nasasayang lang ang gasolina at wala ring mangyayari.

Giit ng mambabatas – maituturing na itong impeachable offense.


Bagama’t, wala siyang hawak na matibay na ebidensya hinggil ditto, subok at pinagkakatiwalaan niya ang kanyang mga sources.

Facebook Comments