PUMALO | Nakumpiskang smuggled rice ng PNP at BOC, umabot na sa 3 milyong halaga sa loob lamang halos tatlong buwan

Manila, Philippines – Aabot sa halos tatlong milyong pisong halaga ng mga smuggled rice ang nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine National Police at Bureau of Customs sa loob lamang ng tatlong buwan.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt. Benigno Durana narekober ang mga smuggled rice sa walong daan at isa na mga bodega sa bansa simula noong buwan ng hulyo at hanggang ngayong buwan ng Oktubre.

Umaabot sa mahigit isang milyong sako smuggled rice ang nadiskubre sa mga bodegang ito.


168 na mga bodega ng bigas ay narekober sa central luzon, 137 sa Ilocos Region, dalawa sa Metro Manila, 40 sa Cordillera,59 sa Western Mindanao at 75 sa Bicol region.

Sinabi ni Durana nagpapatuloy ang operasyon ng pulisya laban sa mga nagtatago ng mga smuggled rice dahil na rin sa problema sa kakulangan ng bigas sa bansa.

Facebook Comments