Manila, Philippines – Nabasag ang ipinangangalandakang no unloading record ng MRT3 matapos ang preventive maintenance na isinagawa nitong nakalipas na Holy Week.
Ito ay matapos na magka aberya kaninang 8:01 ang isang tren sa Santolan-Annapolis station na biyaheng southbound.
Ayon kay Aly Narvaez, MRT3 media officer, ayaw magbukas ang pintuan ng tren dahilan para pababain ang nasa isanlibong pasahero na patungo ng Makati Taft Avenue Statio
Ayon pa kay Narvaez, agad namang naisakay sa sumunod na tren ang apektadong mga pasahero matapos ang apat na minuto.
Dahil dito umaapela ang MRT3 sa mga pasahero na huwag sandalan o kaya ay piliting buksan ang mga pintuan ng tren dahil maari anila itong maapektuhan.
As of 8:26 am mayroong 15 tren na tumatakbo sa revenue line ng MRT para magsilbi sa libu-libong pasahero ngayong Friday the 13th araw ng sweldo.
Dinala na sa MRT depot ang nag malfunction na tren para sa replacement ng door components.