PUMRENO | Hiling na 2 pisong taas pamasahe, iniurong

Manila, Philippines – Inatras ng Liga ng Transportasyon at Opereytor ng Pilipinas o LTOP President Rolando Marquez ang kanilang hiling na itaas ng dalawang piso ang pamasahe sa mga pampasaherong jeepney.

Ayon kay LTOP National President Rolando Marquez – walang magaganap na pagtaas ng pamasahe sa passenger jeepney ngayong holiday season para hindi na makasabay pa sa daming gastusin ng mamamayan tuwing kapaskuhan.

Sinabi ni Marquez na sa Pebrero 2018 na lamang silang magsasampa ng petisyon.


Nanawagan din si Marquez sa publiko na makipag-ugnayan agad sa LTFRB kapag may nalaman na nagtaas ng pasahe sa jeep ng walang abiso mula sa ahensiya.

Facebook Comments