PEKENG PERA | Dayuhang nagpapapalit, arestado!

Pasay City – Arestado ang tatlong dayuhan matapos mahuling nagpapapalit ng pekeng euro banknotes sa isang money changer sa Pasay City.

Kinilala ang mga suspek na sina Mia Astillion galing Romania, Jason Martin at Valentin Sadovski na kapwa galing London.

Sa ulat, pumunta sa kanilang stall ang tatlong suspek kung saan nagpapalit sila ng 12 piraso ng 20 euro banknote at 36 na piraso ng 50 euro banknotes o katumbas sumatutal ng 100,000 pesos.


Pero nang suriin ng teller na peke ang pera ay agad itong inireklamo ang mga dayuhan at idinala sa Pasay headquarters.

Posibleng maharap sa illegal possession of use of treasury or banknotes and other instruments of credit laban sa mga suspek.

Facebook Comments