Magiging bahagi ng alaala para sa mga mamamayan ng Bangsamoro si dating Pangulong Noynoy Aquino, lider na walang pagod na nagsulong ng kapayapaan sa rehiyon.
Batay sa resolusyong ibinaba ng Bangsamoro Transition Authority (BTA), ipinapaabot nila ang kanilang simpatya at pakikiramay kasunod ng pagpanaw ng dating pangulo.
Pinuri ng BTA ang commitment ni Aquino sa paghahanap ng solusyon sa kaguluhan sa Mindanao na nagresulta sa pagkakabuo ng Bangsamoro peace process.
“Former President Aquino will be remembered as Chief Executive who laid the foundations of the current Bangsamoro government and initiated the many reforms in the entire Muslim Mindanao region,” batay sa resolusyon.
Ipinakita ng administrasyon ni dating Pangulong Aquino na kanilang prayoridad ang pagsusulong ng kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon.
Sa panahon ni PNoy, nilagdaan ang Comprehesive Agreement on the Bangsamoro at isinumite sa Kongreso ang Bangsamoro Basic Law.