Purong Pinay na Kandidata ng Germany, Ipinagmalaki ang Kulturang Pilipino sa Miss Asia Pacific International 2019!

Cauayan City, Isabela- Agaw pansin ang purong Pinay na kandidata at kinatawan ng bansang Germany sa Miss Asia Pacific International 2019 na dumalo kahapon sa Lalawigan ng Quirino.

Halos walang arte kung kumilos ang purong Filipina na si Denisse Nicole Ligpitan, tubong Laguna na kapwa Pilipino ang mga magulang na ngayon ay naninirahan sa bansang Germany.

Sa eksklusibong panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Miss Ligpitan, 16-anyos palang aniya ito nang mapunta sa bansang Germany na ngayon ay pitong taon na silang naninirahan doon kung saan ay hindi umano nito makakalimutan ang dala-dalang kultura ng mga Pilipino na kahit nasa ibang bansa siya.


Aniya, hindi mahalaga ang kompetisyon sa Miss Asia Pacific International 2019 kundi ang pakipagkaibigan sa bawat kandidata, pakikipagtulungan at pagbubuklod ng bawat bansa.

Kahit ibang bansa ang kanyang kinakatawan ay todo suporta pa rin sa kapwa niya kandidata ng ating bansa na si Klyza Castro na kababayan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao na may malaking tiyansang manalo at makuha ang korona ng Miss Asia Pacific 2019.

Ang kinatawan ng Guam na si Miss Cyndal Abad na isa ring half Filipina kung saan ang kanyang tatay na isang Bicolano ay ipinagmalaki rin nito ang kanyang pagiging Pilipino dahil sa mga magagandang katangian na maaaring ipagmalaki sa buong mundo.

Si Miss Nicole Severo, isang Italian na half Filipina ay ipinagmalaki rin ang pagkakaroon ng dugong Pilipino.
Ang kinatawan ng Germany, Guam at Italy na may dugong Pilipino maging ang pambato ng Pilipinas na kabilang sa 55 mula sa 70 kandidata ay excited na para sa Coronation night na gaganapin sa darating na ika-9 ng Oktubre sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World sa Pasay City.

Facebook Comments