Puspusang Pagkilos ng PNP Benito Soliven Kontra Iligal na Droga at Mapayapang Halalang, Patuloy Parin!

Benito Soliven- Mahigpit pa rin ang ginagawang pagtutok ng PNP Benito Soliven sa kanilang kampanya kontra Iligal na Droga at pagbabantay sa kaayusan at seguridad ng Barangay at SK Election sa kanilang bayan.

Sa ginawang pagdalo ng kinatawan ng PNP Benito Soliven na si Municipal Executive Senior Police Officer, Jeoffrey Solomon sa programang Sentro Serbisyo, sinabi nito na mula sa kabuuang bilang ng barangay na dalawampu’t siyam ay nasa labing siyam na barangay umano sa kanilang bayan ang Drug Affected.

Dagdag pa niya, nasa mahigit dalawang daang katao umano ang naitalang Drug Identified ngunit 188 mula rito ang sumailalim at natapos na sa Community Based Rehabilitation Program (CBRP) kung saan ay kasalukuyan na din umanong kumukuha ng kanilang NC-II para makakuha ng lisensya at makapasok sa marangal na hanap buhay.


Nasa 60 na Drug Identified pa ang nakatakdang sumailalim pa sa CBRP at sampung barangay naman umano sa kanilang bayan ay Drug Free na kaya’t patuloy parin ang kanilang ginagawang pagmomonitor sa mga ito.

Samantala, nananatiling mapayapa naman umano ang pagsisimula ng kampanya ng mga pulitiko sa kanilang bayan.

Pinaalala pa ni SPO4 Solomon na bawal ang mga paglalagay ng mga campaign materials sa mga paaralan, mga poste ng kuryente, Simbahan, mga sasakyang Pag-aari ng gobyerno at iba pang mga pasilidad na pag-aari ng isang tao na walang pahintulot.

Patuloy pa sa pagpapaigting ang Benito Soliven sa kanilang programang Beat Patrol System kung saan ay pinaka pangunahing layunin naman nito ang masiguro at mabantayan ang ano mang kriminalidad sa kanilang bayan.

Facebook Comments