PUV drivers, dapat bigyan ng buwanang ayuda sa halip na suspendehin ang excise tax sa langis

Iminungkahi ni Senator Win Gatchalian na bigyan ng 3,000 pesos na buwanang ayuda sa loob ng 5 buwan ang mga driver ng pampublikong transportasyon.

Sabi ni Gatchalian, tulong ito sa mga Public Utility Vehicles o PUV drivers sa harap ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Suhestyon ni Gatchalian, ang 4-bilyong pisong pondo para dito ay maaring kunin mula sa unobligated funds sa ilalim ng iba’t ibang ahensya tulad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Department of Transportation (DOTr).


Ayon kay Gatchalian, mas mainam na palawigin ang pantawid pasada program ng gobyerno dahil mas maliit ang kailangang pondo sa halip na suspendehin ang excise tax na ipinapataw sa langis na umaabot sa 150-billion pesos.

Bukod dito ay iminungkahi din ni Gatchalian ang pagpapatuloy ng Libreng Sakay program ng pamahalaan.

Facebook Comments