Hunyo 24, idineklarang special non-working holiday sa Maynila

53

Sa pamamagitan ng Proclamation no. 1400 idineklara ng Palasyo ng Malacañang ang Hunyo a-24 o sa Byernes bilang special non-working holiday day sa lungsod ng Maynila.

Ito ay kasunod na rin ng pagdiriwang ng lungsod ng kanilang 451st founding anniversary.

Nakasaad din sa nasabing proklamasyon na binibigyang pagkakataon ng pamahalaan ang mga Manilenyo na mag-celebrate o magdiwang ng kanilang founding anniversary sa Byernes basta’t nakakatalima lamang sa minimum public health protocols.


Pirmado ni Executive Sec. Salvador Medialdea ang naturang proklamasyon kahapon, June 22, 2022.

Facebook Comments