
Hindi umano sapat ang P5,000 subsidy para sa mga PUV driver na apektado ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, ayon sa mga driver at operator na nakapanayam ng RMN DXIC Iligan.
Ayon sa kanila, kulang ang nasabing halaga kumpara sa halos lingguhang pagtaas ng presyo ng petrolyo.
Dagdag pa nila, apektado rin ang kanilang kita dahil nabawasan ang kanilang mga biyahe kada araw upang makatipid sa gasolina.
Dahil dito, humihiling ang mga driver at operator sa lungsod ng P5 dagdag sa pamasahe, na ayon sa kanila ay malaking tulong sa kanilang araw-araw na kabuhayan.
Sa kasalukuyan, nananatili pa rin sa P13 ang minimum na pamasahe sa tradisyonal na jeepney, na ipinatupad pa noong panahon ng pandemya.
Facebook Comments










