PUV modernization, hindi solusyon sa matinding traffic

Manila, Philippines – Sinopla ni ACT Teachers Rep. France Castro ang gobyerno sa ipapatupad na PUV modernization sa susunod na taon.

Ayon kay Castro, hindi magiging solusyon sa matinding traffic at polusyon sa Metro Manila ang modernisasyon ng jeepney.

Batay aniya sa Metro Manila Annual Average Daily Traffic, nasa 2% lamang ang vehicle population ng PUJs o jeepneys.


Sa katunayan, mayorya aniya ng mga sasakyan na nagiging sanhi ng matinding pagsisikip ng mga lansangan ang mga private cars na nasa 69%.

Ilan pa aniya sa mga pribadong sasakyan ang naglalabas ng maduming usok lalo na ang mga lumang sasakyan.

Giit ni Castro, hindi dapat pinupuntirya ang mga jeepneys kung ang layunin ay resolbahin ang traffic sa bansa.

Nagbabala din ang kongresista na sa ilalim ng jeepney modernization ay tiyak na tataas ang singil sa pamasahe at maraming mga drivers ang posibleng mawalan ng trabaho.

Facebook Comments