PUV MODERNIZATION | I-ACT, muling nagkasa ng operasyon konta bulok na mga sasakyan

Manila, Philippines – Muling nagkasa ng operasyon ang Tanggal Bulok, Tanggal Usok at Task Force Kamao laban sa mga lumang sasakyan kaninang alas-7 ng umaga.

Pinaghuhuli ng task force ang mga bulok, karag-karag at mauusok na pampublikong sasakyan sa SM Sucat sa Dr. A. Santos Avenue, C5 Road Extension, Paranaque.

Naglagay pa nga ng orange plastic barrier ang mga tauhan ng MMDA at doon pinadaan ang mga pampublikong sasakyan at isa-isang ininspeksyon.


Tinikitan naman ng LTO ang mga jeep na kalbo na ang gulong, habang na-impound naman ang isang jeep dahil sa pekeng lisensya ng driver nito.

Hindi rin nakaligtas sa I-ACT ang mga tricycle, motorsiklo at mga rider na walang helmet.

Facebook Comments