DOUBLE MISTAKEN IDENTITY | Komedyanteng si Pooh, napagkamalang waiter ng isang Uber driver

Manila, Philippines – Napagkamalan daw ng isang Uber driver ang komedyanteng si Pooh na waiter sa isang restaurant.

Say naman ni Pooh, natawa at napasipol na lang siya sa naturang insidente.

Pero noong pababa na raw siya, parang naaninagan siya nung driver at na-realize na celebrity pala yung pasahero niya.


Gayunman, nang pababa na aniya siya at nagbayad, naaninagan ng Uber driver sa kanyang rear mirror na celebrity pala ang sakay nito.

Agad nag-sorry ang driver matapos niyang mapagkamalang waiter si Pooh.

Ngunit sa ikalawang pagkakataon, ay napagkamalan na naman siyang ibang tao at hindi bilang si “Pooh” ng driver nang sabihin nitong nanghihinayang siya sa pagkawala ni John Lloyd Cruz sa show nitong Home Sweetie Home.
Napagtanto ni Pooh na ang komedyanteng si Kuya Jobert pala ang naisip ng Uber driver dahil si Kuya Jobert at hindi siya ang bahagi ng naturang sitcom.

Facebook Comments