PUV MODERNIZATION PROGRAM, TULOY PA RIN!

Baguio, Philippines – Sa pagpapatuloy ng Public Utility Modernization Program ng lungsod Baguio, ilang mga draybers ng mga jeep sa syudad ay sumasang-ayon sa pagbabago ng transportation system ng lungsod samantalang ang alkalde, Mayor Benjamin Magalong, ay gumagawa naman ng paraan para makabili ng E-Vehicles dahil sa mahal nitong presyo.

Samantala, patuloy naman ang pagkakaroon ng integrated transport terminal sa Marcos Highway at ilang mga lugar sa Baguio tulad ng Barangay Irisan na tinitingnan pa din na may dalawang pinagpipiliang lugar kung saan may isang 8,000 sqm at isang 1 hectare at naghihintay na lang ng mga interesadong mga proponent ayon sa mayor.

Ang paradahan naman sa may Slaughter House, maaring maapektuhan ng Market Modernization para sa relokasyon ng ilang mga vendors sa palengke.


iDOL, mukhang natatagalan ang pagresolba sa modernization program.

Photo Credit: Benjie Magalong – Public Servant

Facebook Comments