Pinangunahan ni Mayor Caesar Jaycee Dy Jr. ang nabanggit na pamamahagi katuwang ang city councilors ng Cauayan, at ibang opisyales.
Ayon sa head ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) na si Jonathan Galutera, walang pinipiling maging benepisyaryo ang programa at bukas ito para sa lahat ng mga mamamayan ng lungsod ng Cauayan na nangangailangan ng assistive devices.
Ang ilan sa mga ipinamahaging assistive devices ay commode wheelchairs o tinatawag din bilang toilet wheelchair na naka disenyo para sa mga senior citizens or mga PWDs na hirap nang kumilos.
Samantala, lubos ang pasasalamat ni nanay Erlina Fontanilla, 66-taong gulang, nang isa ito sa nakatanggap ng wheelchair dahil ayon sa kaniya ay lampas 20 taon na ng huli itong nakalakad matapos itong maaksidente at maparalisa ang kalahating parte ng kanyang katawan.
Kaugnay nito, ay nangako naman si Mayor Dy na ang LGU Cauayan at ang Cauayan City Officials, ay magpapatuloy sa paghahatid ng mga nararapat na tulong para sa mga mamamayan sa nasabing siyudad na nangangailangan.