Pwersa ng Kasundaluhan sa Cagayan, Dinagdagan ng 5th ID!

Cauayan City, Isabela- Nagpadala ng karagdagang kasundaluhan ang 5th Infantry Divison sa Lalawigan ng Cagayan kaugnay sa sunod-sunod na nangyaring engkwentro sa pagitan ng Philippine Army at New People’s Army sa naturang lalawigan.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Capt. Jefferson Somera, DPAO ng 5th Infantry Division sa naging ugnayan ng RMN Cauayan kaninang umaga upang mabigyan ng proteksyon ang mga mamamayan at mga kandidato ngayong nalalapit na Barangay at SK-Eleksyon.

Kaugnay nito ay upang mabantayan na rin umano ang mga plano ng mga NPA o komunista na nagsasagawa ng pangingikil at terroristic activities lalo na sa mga tumatakbong kandidato base na rin umano sa kanilang natatanggap na impormasyon.


Bukod pa rito ay upang madagdagan ang pwersa ng kasundaluhan kung saan mayroon nang limang nasugatan sa panig ng mga kasundaluhan sa dalawang engkwentro na naitala sa bayan ng Rizal at Sto. Nino, Cagayan.

Sa ngayon ay kasalukuyan pa rin umano ang isinasagawang pagbabantay ng 5th Infantry Division sa lalawigan ng Isabela lalo na umano sa bayan ng Jones at San Mariano.

Facebook Comments