Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na maaari niyang ipag-utos ang paggamit ng pwersa ng militar para tiyakin ang kaayusan sa darating na 2022 national elections.
Ayon kay Duterte, lahat ng Pilipino ay nais na makaboto ng malaya at maayos nang walang pandaraya.
Pero sakali mang may magtangka na manipulahin ang resulta ng eleksiyon at magdulot ng kaguluhan, hindi siya magdadalawang isip na gamitin ang lakas ng militar.
Paliwanag ng pangulo, ang militar ay ang ‘guardian’ ng bansa at anumang oras ay pwede niya itong ipatawag.
Kaugnay nito, tiniyak din ng pangulo na ang mga eligible voters lamang ang makakaboto sa halalan at mabibilang ang bawat boto.
Facebook Comments