Manila, Philippines – Nangangamba si Committee on Urban Planning, Housing and Resettlement Chairman Senator JV Ejercito na tuluyang bumagsak ang housing sector dahil sa pwersahang pag angkin ng grupong kadamay sa mga government housing units sa Pandi, Bulacan.
Mahigit 5,000 units ng pabahay na itinayo ng National Housing Authority ang pwersahang inokupa ng grupong Kadamay kahit ang mga ito ay nakalaan para sa mga pulis at sundalo.
Punto ni Ejercito, hindi pwedeng libre ipagkaloob ang pabahay na gusto ng mga miyembro ng Kadamay.
Kapag aniya nagtuluy-tuloy ang hakbang ng Kadamay ay babagsak ang buong housing sector.
Paliwanag ni Ejercito, pwede namang i-adjust ang paraan ng pagbabayad para hindi itong maging mabigat sa mga kasapi ng Kadamay.
Giit ni Senator Ejercito, itama ang mga mali at ayusin ang sistema kaugnay sa nais ng Kadamay na mabigyan sila ng pabahay ng pamahalaan.
DZXL558