QC Government, nakipag-partner na sa private sector para sa rapid testing

Nakipag-partner sa pribadong sektor ang Quezon City Government sa pagsasagawa ng rapid testing para mas mapabilis ang pagtukoy sa mga pasyenteng may COVID-19 sa lungsod.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, nasa 3,800 Rapid Antibody-Based Diagnostic Test (RDTs) kits ang ipinagkaloob ng Project Ark sa pamahalaang lungsod na ginagamit na sa mga piling barangay.

Ikinatuwa naman ni Belmonte ang suporta ng mga private sector sa kanilang paglaban kontra COVID-19.


Noong Lunes, ipinatupad ang 1,500 rapid tests sa apat na barangay ng Immaculate Concepcion, Kristong Hari, Kalugusan at Doña Aurora.

Ang mga barangay ang tinukoy na pilot areas base sa kanilang populasyon, active cases at attack rate ng virus sa lugar.

Isinailalim din sa testing ang 11 lugar na nasa Special Concern Lockdown (SCL) sa limang mga barangay gamit ang 4,000 RDT kits.

Facebook Comments