QC, handa na sa pagsalubong ng bagong taon, mga City-Run Hospitals, at Sampung Super Health Centers, inilagay na sa yellow alert

Inilagay na sa yellow alert ng Quezon City LGU ang tatlong city-run hospitals nito at sampung Super Health Centers para asikasuhin ang mga magiging biktima ng mga firecracker-related incidents kaugnay ng pagsalubong sa bagong taon.

Partikular na tinukoy dito ang QC General Hospital, Rosario Maclang Bautista General Hospital at Novaliches District Hospital

Ang mga Super Health Centers na naka-standby na ay matatagpuan sa mga sumusunod na barangays: San Francisco sa District 1; Batasan, NGC, Betty Go Belmonte, Payatas at Bagong Silangan sa District 2; Murphy sa District 3; Kamuning sa District 4; at AJ Maximo at Sta. Lucia sa District 5.


Ang mga Super Health Centers ay activated na at bukas 24 hours para asistihan at gamutin ang mga posibleng firecracker victims.

On call naman ang lahat ng Barangay health centers para tugunan ang mga minor injuries.

Iminomonitor ng Disaster Risk Reduction and Manamegent  ang nasa 180 firecracker/fireworks zones sa apat na major New Year countdown events sa Eastwood, Quezon Memorial Circle, SB Plaza sa Novaliches Proper, at sa La Loma.

Tiniyak din ng DRRMO na naka deploy na ang mga ambulansya sa 142 barangays na kumpleto ng medical personnel at drivers at on call para sa emergency situation.

Nag iikot naman ang mga tauhan ng Quezon City Police District para matiyak na ang mga firecracker guidelines ay nasusunod sa mga itinalagang firecracker zones.

Facebook Comments