QC health Department, pinag iingat ang mga residente laban sa skin disease particular ang herpes

Pinag-iingat ng Quezon City Local Government Unit (LGU) ang mga mamamayan sa lungsod quezon laban sa skin disease particular ang herpes.

Ayon sa QC-LGU, ang herpes ay isang impeksiyon sa balat na may dalawang uri ng virus na kinabibilangan ng Herpes Simplex Virus type 1 o HSV-1 at herpes simplex virus type 2 o HSV-2.

Paliwanag ng lokal na pamahalaan, bagamat ang herpes ay isang sexually transmitted disease, may posibilidad pa ring mahawa ang sinuman.


Ito ay kung nakagamit ang isang tao ng mga kagamitan ng infected na tao na maaring magdulot ng pagkakaroon ng sores, butlig o buni sa mukha, sa paligid ng labi at sa maselang bahagi ng katawan

Kapag hindi umano naagapan ang herpes, maari itong magdulot ng kumplikasyon kayat ugaliing panatilihing malinis ang pangangatawan

Payo ng QC-LGU sa sinumang makaramdam ng anumang sintomas ay agad na kumonsulta sa pinakamalapit na social hygiene clinic o hospital.

Facebook Comments