Pilipinas, magtatayo na ng embahada sa Ukraine sa harap ng patuloy na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine

92

Kinumpirma ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr., ang itinatayong Embahada ng Pilipinas sa Ukraine.

Sa harap ito ng nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Gayunman, inihayag ni Locsin na hindi niya tiyak kung personal siyang makakapunta sa pagbubukas ng Embahada ng Pilipinas sa Kyiv.


Ito ay dahil sa umiiral na no fly zone sa buong Ukraine at hindi rin aniya regular ang biyahe ng tren doon.

Facebook Comments