Humingi ng paumanhin ang Quezon City Local Government Unit (QC-LGU) matapos mag-crash ang kanilang eZConsult application na ginagamit para makapagparehistro sa COVID-19 vaccination.
Batay sa QC-LGU, nagloko ang kanilang online application dahil na rin sa dami ng mga nagpaparehistrong nasa A4 priority group.
Tiniyak naman ng QC-LGU na pinag-aaralan na nila ang kapasidad ng eZConsult na pinangangasiwaan ng Zuellig.
Maliban dito, tinitignan na rin ang ibang opsyon para magkaroon ng online registration ang mga priority sector sa vaccination.
Facebook Comments