QC LGU, magpapakalat na ng 300 contact tracers sa harap ng banta ng COVID-19

Nakakuha na ng tatlong daang (300) contact tracers ang Quezon City Local Government Unit (LGU) para tumulong sa pagtunton sa mga bagong kaso ng COVID-19 sa lungsod Quezon.

Pangungunahan QC Epidemiology and Surveillance Unit ang tumutok sa training at deployment ng mga contact tracer.

Ayon kay QC-ESU Head Dr. Rolando Cruz, 30 team ng newly-hired contact tracers ang binuo na at sumailalim sa isang araw na masinsinang contact tracing training.


Ang contact tracers na napili ay binubuo ng registered nurses, medical technologists, Philippine National Police (PNP) contingents at ang hindi bababa sa dalawang katao na nakalista sa bawat barangay.

Nauna nang nagdagdag ng 25 phone profilers at 30 encoders ang COVID-19 Response Center ng LGU para tutugon sa mga tanong at concerns ng mga caller.

Facebook Comments