Binalaan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga city officials at mga pudong barangay na mahaharap sila sa kaparusahan sa sakaling magsamantala sila sa distribusyon ng mga family food packs at cash assistance sa panahon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Hinimok ni Belmonte ang mga barangay chairman na isantabi ang pulitika at bigyan ng ayuda kahit ang hindi nila tagasuporta.
Nauna rito, idinaan sa protesta ng mga residente sa Sitio San Roque ang umano’y nararanasan nilang gutom.
Babala ng lady mayor, sususpindihin niya ang mga barangay chairman na mabibigong makapag-distribute ng pagkain sa kanilang nasasakupan.
Hinimok ni Belmonte ang mga residente sa Quezon City na isumbong ang mga punong barangay nila na hindi kumikilos para mamigay ng ayuda.
Para sa gustong magparating ng sumbong, mag-post ng mensahe sa: covid19foodrelief@quezoncity.gov.ph.