Qualification ni NYC Chairman Ronald Cardema, kinukwestyon ng ilang kongresista

Manila, Philippines – Kinukwestyon ngayon ni Akbayan Partylist Rep. Tom Villarin ang qualification ni National Youth Commission Chairman Ronald Cardema bilang isang government official.

Ito ay dahil na rin sa pahayag ni Cardema na dapat tanggalan ng scholarship ang mga estudyanteng sumasama sa mga rally.

Ayon kay Villarin, dapat malaman ang qualification ni Cardema kung nararapat sa nasabing posisyon.


Malaking katangahan aniya ang ideya ni Cardema na nais niyang ipa-adopt sa pamahalaan.

Wala aniyang pinipili ang Republic Act 10931 o ang Free Tertiary Education anuman ang opinyong pampulitika ng mga mag-aaral dahil lahat ay sakop ng benepisyong hatid nito.

Paliwanag pa ng kongresista, sa naging pahayag ni Cardema ay pinagtaksilan nito ang tiwala ng publiko na kung tutuusin ay pinagkakautangan niya ng loob at hindi si Pangulong Duterte.

Facebook Comments