Manila, Philippines – Ipinare-regulate ng Kamara ang sukat ng bawat klase sa mga pampublikong paaralan.
Inaaral na ngayon ng Technical Working Group ng House Committee on Basic Education ang House Bill 473 o ang Public School Class Size Law of 2016.
Layunin nito na gawing 35:1 ang ratio ng bawat klase at ang bilang na lalagpas dito ay ikukunsidera nang “large class”.
Maliban sa pagre-regulate sa bilang ng klase, layunin din ng panukala na mabigyan ng dagdag na kompensasyon ang mga gurong humahawak ng malalaking klase.
Ayon kay ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, naaapektuhan ang right to quality education ng mga mag-aaral dahil sa oversized na laki ng bawat klase sa mga public schools.
Batay pa aniya sa tala ng UNESCO Institute for Statistics, ang Pilipinas ang may “most crowded classrooms” na nasa average na 43.9 sa elementary at 56.1 sa high school.
Malayo ito sa average class size ng Malaysia na nasa 31.7, Thailand na 22.9, Japan na 23.6, at India na nasa 40 estudyante sa bawat classroom.
Isinusulong din ang paglalaan ng pondo na P5 million para sa implementasyon ng nasabing panukala na siya namang isasama na kada taon sa General Appropriations Act.