QUARANTINE, HINDI NA REGUIRED PARA SA MGA FULLY VACCINATED TRAVELERS

MANILA, PHILIPPINES – Magsisimula na ngayong araw, ika-1 ng Pebrero ang HINDI NA REQUIRED ang facility quarantine para sa mga FULLY VACCINATED na biyaherong mula sa labas ng Pilipinas, ito ay matapos suspendihin ng pamahalaan ang risk classifications para sa mga bansang panggagalingan ng mga incoming travelers.
Matatandaang inanusyo ito ni Presidential Spokesman Carlo Nograles ngunit kailangan pa ring isagawa ang self-monitoring sa kanilang tahanan sa loob ng pitong araw.
Samantala, REQUIRED pa ring sumailalim sa facility based-quarantine ang mga HINDI PA BAKUNADO at mga HINDI PA NAKAKUMPLETO NG BAKUNA habang hinihintay pa ang kanilang negative RT-PCR Test sa ikalimang araw.

Kailangan din umanong silang mag-home quarantine ng hanggang dalawang linggo. | ifmnews
Facebook Comments