Kasunod ng pagluwag sa age group na maaaring makalabas ng kanilang tahanan, sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia sa virtual presscon sa Malacañang na nakadepende pa rin sa bawat local government units kung ire-require pa rin nila sa kanilang nasasakupan na magbitbit ng quarantine pass kapag lalabas.
Inihalimbawa ni Garcia sa Pateros kung saan nagpapatupad pa rin ng localized lockdown kung kaya’t required pa rin ang mga residente na magdala ng quarantine pass.
Una nang sinabi ni Metro Manila Council Chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na hindi na kailangan pa ng quarantine pass sa Metro Manila.
Pero kung may ordinansa sa isang lungsod na nangangailangan ng quarantine pass kapag lalabas ng bahay at kapag may localized lockdown ay kinakailangan pa rin talagang magdala ng quarantine pass.