Quarantine Systems sa ilang Rehiyon sa bansa, dapat i-upgrade

Iginiit ng Department of Agriculture (DA) na kailangan ng upgrade sa Quarantine Systems sa ilang rehiyon sa bansa.

Ito ay sa gitna na rin ng banta ng African Swine Fever.

Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, kontrolado ang ASF sa Bulacan at Pampanga.


Pero nagkakaproblema na ang ilang meat processors dahil hirap silang i-trade ang kanilang produkto sa mga lalawigang mahigpit.

Tiniyak naman ni Dar na wala nang bagong outbreak ng ASF.

Ang lahat ng outbreak areas ay kailangan obserbahan ang 1-7-10 Protocol.

Para matulungan ang mga apektadong Hog Traders, bibigyan ang mga ito ng 30,000 Pesos Loan at zero interest na pwedeng bayaran sa loob ng tatlong taon.

Facebook Comments