Quezon Avenue Flood Control Project, natapos na; pagbaha sa Quezon City, malaki ang mababawas

Manila, Philippines – Inaasahang magiging malaki ang mababawas sa pagbaha sa Quezon City makaraang matapos ang Quezon Avenue Flood Control Project.

 

Ayon kay Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar, bukod sa solusyon sa pagbaha, siguradong luluwag na din ang trapiko sa kahabaan ng Quezon Avenue dahil sa nasabing proyekto.

 

Dagdag pa ni Villar, nasa phase 1 hanggang phase 4 na ang natapos nila sa buong Kamaynilaan at doble kayod sila ngayon para makumpleto ito bago magtag-ulan.

 

Isinasa-ayos na din nila ang mga pumping stations upang masiguro na mabawasan ang pagbaha sa ilang lugar partikular sa maynila at mandaluyong.

 

Samantala, inabisuhan ang mga motorista na iwasan muna ang ilang bahagi ng mga kalsada sa Quezon City nitong weekend at gumamit muna ng ibang ruta dahil sa pagkukumpuning gagawin mula Biyernes ng gabi.


Sa abiso ng MMDA, mula 11:00 ng gabi nitong Biyernes, magsasagawa ang DPWH ng road reblocking and repairs sa mga sumusunod na lugar:


* sa Mindanao Avenue, mula Tandang Sora Avenue hanggang Mindanao Avenue Bridge (northbound)


* sa Commonwealth Avenue, mula Don Fabian Street hanggang Pacamara Street (southbound)


* sa Quirino Highway, mula Sauyo Road hanggang Bernardino Street (southbound)


Muling madadaanan ang mga apektadong kalsada alas-5:00 ng umaga sa Lunes.




Facebook Comments