Nakakakita na ang isang independent research group ng signipikanteng naibawas sa average daily COVID-19 cases sa Quezon City sa tatlong magkakasunod na linggo.
Batay sa pagtaya ng OCTA Research, isang grupo ng independent researchers ng University of the Philippines faculty, mula sa bilang na 540 noong Agosto 10-16, ang average daily cases sa lungsod ay bumaba ng 456 noong Agosto 17 hanggang 23.
At tuloy-tuloy na bumagal sa 372 noong Agosto 24 hanggang 30 at 05 noong Agosto 1 hanggang Setyembre 6, 2020.
Ang mga datos ay halaw sa Department of Health (DOH) verified and non-verified data of the City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU).
Ayon sa OCTA, para maipakita na mayroong flattening of the curve, kinakailangang makapagtala ng dalawang linggong steady decline sa average number ng daily cases.
Bumaba rin ang reproduction number o pagbagal sa movement ng virus sa lungsod sa loob ng limang linggo mula 1.47 (Hulyo 27 to Agosto 2) hanggang sa 0.92 noong Agosto 31 to Setyembre 6.
Itinuturing naman ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na isa itong welcome development.
Gayunman, hindi kinakailangang magpakakampante bagkus mas agresibo pang ipapatupad ang COVID-19 efforts sa lungsod.