Nangunguna pa rin Quezon City sa mga lungsod sa National Capital Region (NCR) na nakapagtala ng pinakamataas na bilang bagong kaso ng COVID-19.
Batay sa datos ng Department of Health, nakapagtala ang QC ng 59 na bagong kaso; mas mababa ito kumpara sa naitala kamakalawa na 71.
Samantala, narito naman ang new COVID-19 cases tally sa iba pang mga lungsod sa Metro Manila:
Makati at Manila – 36
Parañaque – 31
Pasay – 18
Las Piñas – 16
Marikina at Pasig – 15
Mandaluyong – 13
Caloocan – 11
Muntinlupa at Taguig -10
San Juan – 4
Malabon – 3
Navotas – 2
Habang kapwa walang naitalang bagong kaso ng COVID-19 ang lungsod ng Valenzuela at bayan ng Pateros.
Kumakatawan ang NCR sa 279 ng kabuuang 529 new COVID cases na naitala sa buong bansa kahapon.
Facebook Comments