Karagdagang bus route sa PITX, inilunsad kahapon

60

Binuksan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ang tatlo pang bagong ruta ng bus kahapon.

Batay sa abiso ng PITX, inilunsad ang biyahe papuntang Davao City, Maasin City sa Southern Leyte at Ormoc City sa Lyete na handog ng bus company na Philtranco.

Upang makabili ng ticket ay maaaring magtungo sa Ticket Booth 1 na matatagpuan sa ikalawang palapag ng PITX.


Mababatid na binuksan noong June 15 ng PITX ang ruta papuntang Davao City na handog naman ng Davao Metro Shuttle sa halagang 3,680 pesos na tatagal ng tatlong araw ang biyahe.

Samantala, ipinatupad na rin kahapon ang pagbabago sa boarding gate assignment ng ilang ruta sa naturang terminal exchange.

Dahil dito, nasa Gate 1 na matatagpuan ang bus na may biyaheng Trece Martires, Dasmariñas at GMA sa Cavite



Habang nakatalaga na sa Gate 2 ang mga bus na may rutang Tagaytay-Mendez, Tagaytay-Alfonso, Mindoro at Visayas at Mindanao.

Facebook Comments