Bubuksan ngayong araw ng Quezon City Government ang isa pang Temporary Quarantine Facility para sa mga COVID-19 Patients.
Ang panibagong HOPE 2 Quarantine Facility, ay nasa Quezon City University Complex sa Novaliches, Quezon City.
Mayroong 168-bed Capacity ang Pasilidad na maaaring okupahan ng mga PUIs o Persons Under Investigation na sasailalim sa Self-Quarantine .
Base sa pinakahuling ulat na inilabas ng QC Govt. nasa 140 na ang COVID-19 cases sa lungsod,nadagdagan pa ng 27 kaso hanggang alas 7 kagabi.
Nasa 26 na ang kabuuang bilang ng mga nasawi at 10 ang naka recover.
66 na Barangay na mula sa kabuuang 142 ang may COVID 19 cases ,pinakamarami sa District 4 na may 49 cases’ District 1 na may 30 ‘District 3 , 24 at District 6 na may 27.
18 Barangay ang isinailalim sa Extremed Enhanced Community Quaratine ng pamahalaang lungsod.