Quiapo church, pinaghahanda ang mga deboto ng Itim na Nazareno

Pinaalalahanan ng pamunuan ng Quiapo church ang mga sasama sa Traslacion sa Enero 9 na magkaroon ng paghahandang pisikal, mental, emosyonal at espiritwal.

Ayon kay Fr. Douglas Badong, parochial vicar ng Minor Basilica of the Black Nazarene, kailangan maintindihan ng mga sasama ang dahilan ng kanilang pakikiisa at dapat din aniyang may baon silang aral.

Sabi ni Badong, mahalaga ang aral ng Traslacion lalo ngayong pagpasok ng 2019 dahil maraming hinarap na problema ang bansa noong nakaraang taon.


Base sa pagtaya ng NCRPO, posibleng umabot sa 2.5 milyon mga deboto ang sasama sa Traslacion kung saan magpapakalat sila ng mahigit 7,000 mga pulis.

Facebook Comments