Remulla, suportado ang desisyon ni PBBM na palawigin ang termino ni PNP Chief Marbil

Welcome kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ang pasiya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na palawigin ang panunungkulan ni Gen. Rommel Marbil bilang Philippine National Police (PNP) chief.

Sa isang pahayag, sinabi ni Remulla na ang term extension ni Marbil ay magbibigay-daan sa pagpapatuloy ng mga crime prevention and law enforcement initiative.

Titiyakin din aniya nito ang pagkakaroon ng stability sa PNP lalo na sa mga paghahanda para sa paparating na midterm elections.


Suportado ng DILG ang liderato sa kanilang misyon upang mapangalagaan ang kapayapaan, seguridad, at ang pagpapanatili ng rule of law sa buong bansa.

Facebook Comments