Quiboloy, posibleng iharap sa media

Inaasahang haharap sa media sina Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos Jr. at Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Rommel Francisco Marbil anumang sandali mula ngayon.

Ito ay para bigyang-linaw ang detalye hinggil sa pagsuko ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy at 4 na kapwa akusado nito na sina Jackielyn Roy, Cresente Canada, Ingrid Canada at Sylvia Cemañes kagabi na pare-parehong naka-detain sa PNP Custodial facility.

Samantala, sinabi ni PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo na maayos ang kondisyon ni Quiboloy at iba kung saan ang inalmusal ng mga ito kanina ay kanin, piniritong itlog, meatloaf at kape tulad ng iba pang detainees.


Magkakahiwalay rin aniya ang piitan ng mga lalake at babae.

Kanina sa presscon din ni Fajardo, sinabi nitong ang pagbabasa ng bibliya at purpose driven life book ang pinagkakaabalahan ni dismissed Bamban Mayor Alice Guo habang ito ay naka piit sa kanyang selda dito sa Kampo Crame.

Sa ngayon, si Guo ay humaharap sa pagdinig sa Senado para bigyang-linaw ang kanyang koneksyon hinggil sa umano’y illegal POGO operations sa bansa.

Facebook Comments