Nag-organisa ng Quick Reaction Force ang Armed Forces of the Philippines Visayas Command (AFP VISCOM) para sa mabilis na pagresponde sa pag-atake ng mga terrorista.
Ayon kay VISCOM Commander Lt. Gen. Benedict Arevalo, ang mga quick reaction team ay nakahandang sumuporta sa Philippine National Police (PNP) sa pag-nutralisa ng anumang armadong pag-atake ng mga terorista sa mga bayan at lungsod.
Bahagi aniya ito ng pinaigting na seguridad na ipinatutupad ng militar sa rehiyon, kasunod ng nangyaring pambobomba sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi City.
Sinabi ni Arevalo, na kinonsidera nila ang posibilidad na kumalat sa Visayas Region ang nangyaring terrorist attack sa Mindanao, sa kanilang isinagawang Focused Group Dialogue on the Contingency Plan against Urban Terrorism.
Kasunod nito, tiniyak ni Arevalo na nakahanda na ang plano ng militar laban sa anumang posibleng banta sa seguridad sa rehiyon.