Quirino Province, Muling Nakapagtala ng Unang kaso ng COVID-19
Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ng isang panibagong kaso ng COVID-19 ang lalawigan ng Quirino base sa pinakahuling datos ng Provincial Health Office, Abril 3,2022.
Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ng isang panibagong kaso ng COVID-19 ang lalawigan ng Quirino base sa pinakahuling datos ng Provincial Health Office, Abril 3,2022.
Naitala ang pasyenteng tinamaan ng virus mula sa bayan ng Aglipay.
Sa kabuuan, 8,079 na ang confirmed cases sa probinsya at 7,816 naman ang nakarekober sa sakit.
Habang nanatili naman sa 262 ang COVID related deaths.
Patuloy naman ang paghimok ng health authorities sa publiko na sumunod sa ipinapatupad na minimum health protocols at kung maaari ay magpabakuna na upang magkaroon ng karagdagang proteksyon kontra Covid-19.
Matatandaan na naging COVID-19 Free ang lalawigan nito lamang March 21.
Facebook Comments