Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ng labing-tatlong (13) kaso ng Dengue ang Region 2 Trauma and Medical Center sa Nueva Vizcaya batay sa pinakahuling datos, August 30, 2022.
Sa pagtaya ng ospital, naitala ang tig-isang kaso sa mga bayan ng Bambang, Bayombong, Diadi,Quezon, Villaverde; 2 sa Bagabag at 4 sa Solano.
Lumabas sa record, pito (7) katao na may edad 0-17 at anim (6) katao na may edad 18 pataas ang mga tinamaan ng sakit.
Tatlong indibidwal naman ang kasalukuyang nagpapagaling matapos tamaan ng sakit na dengue.
Kaugnay nito, mahigpit pa rin na paalala sa publiko na iwasan ang pag-iimbak ng tubig na maaaring pamugaran ng lamok at maglinis ng kapaligiran.
Facebook Comments