iFM Cauayan, Isa sa ginawaran ng Parangal ng 5ID Philippine Army

24
Kinilala ng pamunuan ng 5th Infantry (STAR) Division Philippine Army ang 98.5 iFM Cauayan bilang isa sa mga Broadcast Media entity nitong Lunes, Agosto 29, 2022 sa Camp Melchor F Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela.

Binigyang pagkilala ng kasundaluhan ang iba’t ibang mga sektor na katuwang nito sa mga tagumpay na nakamit ng 5ID at bahagi ito ng mga aktibidad bago magretiro si MGen. Laurence Mina, Commander ng 5ID sa Setyembre 5, 2022.

Samantala, nagsimula ang nabanggit na aktibidad sa isinagawang Testimonial Parade and Review bilang pagkilala sa Commander ng 5ID na sinundan ng Flag Raising Ceremony at ang paggawad ng parangal sa iba’t ibang stakeholders na katuwang ng kasundaluhan.

Facebook Comments