RACE CAMPAIGN, IKINASA NG SSS SA CITY OF ILAGAN

Cauayan City, Isabela- Nasa 13 na delinquent employers ang binisita ng Run After Contribution Evader o RACE team ng Social Security System o SSS sa Lungsod ng Ilagan ngayong araw, Abril 7, 2022 dahil sa hindi pagbabayad ng SSS contributions ng kani-kanilang mga empleyado.

Nagkakahalaga ng 1.8 Million pesos ang pinagsama samang delinquency na dapat bayaran ng mga employers kung saan ang 1.23 Million pesos ang principal delinquency habang nasa P555,000.00 ang naipong penalties.

Matatandaan na isinagawa ang unang RACE campaign noong Abril 7, 2022 sa siyudad ng Santiago para mapaalalahanan at matiyak ang pagbabayad ng mga employers ng kaukulang SSS contribution ng kanilang mga empleyado.

Samantala, pinapayuhan naman ng SSS ang mga employers na kung walang kakayahang bayaran ng buo ang kanilang delinquencies, maaari silang mag-apply ng SSS Pandemic Relief and Restructuring Program – Enhanced Installment Payment Program o PRRP3 hanggang Nobyembre 22, 2022.

Layunin ng nasabing programa ng SSS na matulungan ang mga delinquent employers na mabayaran ang kanilang obligasyon sa pamamagitan ng installment dipende sa halaga na kanilang dapat bayaran.

Facebook Comments