SSS OFFICIALS, NAKIPAGPULONG SA PUNONG LUNGSOD NG ILAGAN

Cauayan City, Isabela- Nakipagkita ang mga opisyales ng Social Security Sytem o SSS mula sa iba’t-ibang branch sa Isabela kay Ilagan City Mayor Jay Diaz sa pangunguna ni Senior Vice President Atty. Antonio Argabioso, Head ng Luzon Operations Group para sa kanilang courtesy call kaugnay sa Run After Contribution Evaders o RACE campaign ng ahensya sa Syudad.

Kasama rin sa nakipag-usap sa alkalde si Atty. Vic Byron Fernandez, Department Manager ng Luzon Central II at Ginoong Ricky Laggui, ang Department Head ng GSO ng City of Ilagan, at Ginang Guadalupe Castillo, ang Manager ng SSS Ilagan Branch.

Itinakda ng SSS branch Ilagan ngayong araw, Abril 7, 2022 ang surprise inspection sa ilang establisyemento sa Lungsod upang tiyakin na tutugon na ang mga delinquent employers sa pagbabayad ng SSS contributions ng kanilang mga empleyado na nakapaloob sa batas na RA 11199 o Social Security Act of 2018.

Suportado naman ni Mayor Diaz ang nasabing aktibidad ng ahensya para sa ikabubuti ng mga manggagawa sa Lungsod.

Facebook Comments