Radost Todorova ng Bulgaria, ipinagtanggol si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach matapos na tawaging “ghost” ni Colombian Beauty Queen Ariadna Gutierrez

106
Photo Courtesy: [LEFT] Zimbio & [RIGHT] Ariadna Gutierrez | Instagram

Ipinagtanggol ni Radost Todorova, ang pambato ng Bulgaria sa Miss Universe 2015 si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach laban kay Ariadna Gutierrez na pambato ng Colombia.

Kasunod na rin ito ng isang Zoom interview kamakailan kay Ariadna kung saan nag-viral ito matapos na tawagin ng Colombian Beauty Queen si Pia na isang “ghost” at hindi naramdaman noon sa pageant.

Si Ariadna ang naging karibal ni Pia sa korona sa Miss Universe 2015 kung saan nagkamali noon ang host na si Steve Harvey nang tawagin ang Colombia pero ilang minuto ay nilinaw nito na first runner-up lang ito at ang Pilipinas ang nagwaging Miss Universe 2015.

Sa Instagram post ni Radost na itinuturing na “BFF” ni Pia sa pageant, dumipensa ito para kay Pia at sinabing hindi talaga naramdaman ni Ariadna sila dahil hindi siya nakikisalamuha sa mga Asianong kandidato at laging kasama ang mga kapwa Latinos.

Photo Courtesy: Radost Todorova | Instagram

Say ni Radost, naalala niya kung paano sila pagtawanan ni Ariadna, maliitin mula sa kanilang suot, alahas at pananalita.

Aniya, masaya siya at si Pia ang nanalong Miss Universe 2015 dahil deserving siya sa korona lalo na’t may mabuti itong puso.

Pinasaringan din ni Radost ang Colombian beauty queen sa pagsasabing na ang tunay na kagandahan ay nakikita sa panloob at panlabas na ka-anyoan, hindi lamang sa pagiging isang Victoria’s Secret Model o pag-asta na queen ng England.




Facebook Comments