Radyo Trabaho, ginawaran ng pagkilala ng Mandaluyong City Government

Lalo pang gaganahan upang pag-ibayuhing lubos ng Radyo Trabaho team sa pamumuno ni Lou Panganiban ang paglilingkod nito sa bayan.

Ito ang kanyang naging reaksiyon nang mahawakan na ang plake ng pagkilala kanina sa ginanap na lingguhang programa ng Mandaluyong City Government tuwing Lunes sa Mandaluyong Atrium.

Sabi ni Panganiban, lalong nakaka-engganyo na magtrabaho kapag ganitong napapansin ng mga kinauukulan ang iyong pinaghirapan higit sa lahat aniya ay kung nakikita mo rin ang bunga ng mga ito…


Abot-abot ang pasasalamat ng Mandaluyong City LGU sa Radyo Trabaho dahil sa suporta nito lalo na sa pagbibigay daan nito sa mga announcement ng Mandaluyong LGU nang libre.

Liban sa DZXL Radyo Trabaho, maraming iba pa na anila ay program partners ang ginawaran ng pagkilala na sinundan ng paglagda ng kasunduan bilang magkapatid na local Government Unit sa pagitan ng Munisipyo ng Kabayan sa lalawigan ng Benguet at Mandaluyong City na siyang nagsilbing highlights ng event kanina.

Facebook Comments